home ask me photos twitter
Drained.

5:30 gumising ako to prepare for work, before 7 nakasakay na ko pabus pa-Makati. Before 8:30 nasa office na ko. Galing ako sa sakit at hindi pa ko masyado magaling so medyo matamlay pa ako but with the help of my officemates medyo nakarecover din ako (kahit papano) Mga patawa kasi. Haha.

Now I’m so drained, pagkadating ko ng office kumain lang ako ng isang tinapay at nagbihis na ng uniform. Nag-umpisa sa morning reports and assigned tasks hanggang sa dumating yung dapat ko i-train, late ko na nga siya na-entertain bale after lunch na nakakahiya man sakanya kasi nakatanga lang siya dun wala kumakausap kasi shit men ang dami ko talaga ginagawa puro pasensya na nga ako sakanya hanggang sa maglunch.

But after lunch as I promised to him na dun ko siya tuturuan. Syempre nag-ayos muna ko nakakahiya naman amoy pagkain ako kung turuan ko siya. Good thing, he can easily catch up with the basics, maganda pa non nagtatanong pa siya sa mga di niya maintindihan o gustong malaman. Buti nga nauutusan ko din siya na kahit papano lessen sa trabaho ko pero konti lang, nyahaha.

Multi task kung sa multi task ang peg ng lola mo. Hanggang sa past 6 shet malapit na ko umuwi. Biglang nagkaconcern na hindi naman talaga ako involve sobrang gamit na gamit yung utak ko, hanggang sa matapos ako nakapagbihis na rin para umuwi. Putangina naman biglang umulan. :’( Yung payong ko pa naman nawala.

Napaisip tuloy ako kung susugod ba ko sa umulan para makauwi lang agad pero sabi ko mahal ko pa sarili ko ayoko magkasakit kasi wala nang mag-aalaga sakin, naisip ko na intayin nalang yung officemate ko tutal may payong siya at pareho kami ng way.

Ayun, sabay kami. Nakasakay ako sa bus habang tinatype ko to at mapopost na pag nakauwi na ko. Sana lang pagbaba ko ng bus hindi na umuulan. Alam ko namang mahal ako ni Lord di na niya ko papabayaang magkasakit. Pero sobrang pagod na pagod talaga ko. πŸ˜–β€οΈ

Ang sarap kumain ng may kasabay.

Masama yung pakiramdam ko actually kanina pa habang nasa trabaho hanggang sa makauwi ako.

Plano ko talaga na matulog na pagkarating ko pero inalok ako ng kuya ko kumain at nagluto siya, inantay na muna namin yung asawa niya na galing ding trabaho.

Hanggang sa dumating at kumain na kami. Alam mo yung simpleng ulam na skinless partner na may pinaghalong pipino, kamatis at mangga samahan mo pa ng dessert na graham. Feeling ko lechon yung ulam namin at cake naman yung dessert. Hahahaha

Sobrang sarap lang talaga ng kain ko pati ni kuya, ate at chelsea. Pero masama pa rin yung pakiramdam ko pakshet

Tatlong buwan na pala kami.

To tell you all honestly, we never date outside even celebrate our monthsaries (wow akala mo naman ang tagal na).

We are in a relationship that isn’t normal. We call each other names, talk to each other only when we have our spare time pareho kaming may trabaho, ako naman laging may oras I mean kaya ko magbigay at magsakripisyo. We barely say β€œI love you” to each other mas madalas pa kami mag-asaran.

Minsan kahit ako sa sarili ko nawi-weirduhan like hey ikaw ba yan Steff? Hindi naman ganito yung gusto mong relasyon diba? Ang tagal ko kasing single bago ko siya maging boyfriend parang nirereserve ko yung sarili ko sa tamang tao pero sakanya ako bumagsak, nandun yung takot na masaktan ako pero sumugal ako para sakanya. Ang weird talaga hindi ko alam kung anong gusto mangyari ni Lord, sabi ko nga sakanya kung maghihiwalay din kami pwede bang ngayon na wag na patagalin kasi sanay na naman akong mag-isa. Pero eto kahit di normal relasyon namin kami pa rin. Hay


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 older Β»